Collection of Bob Ong Quotes

Friday, October 9, 2009 by: JM


This is a collection of quotes from Bob Ong. His quotes are to be seen in his works like Kapitan Sino and others.






1. "ayokong masanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko."

2. "Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso...
Extension ng puso ang tenga, kaya kapag marunog kang makinig, marunong kang magmahal.."


3. ”Mag-aral maigi; Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka sa pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher.”

4. "Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan."

5. "Wala namang masama sa pangingibang-bayan. Walang masama kung gusto mong lisanin ang barkong sa tingin mo'y papalubog na. Basta't wag mo lang hahagisan ng anumang pabigat ang barko habang pinagsusumikapan itong isalba ng ibang tao."

6. "Pag di ka mahal ng taong mahal mo, wag kang magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lng."

7. "Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras."

8. "Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blank na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures."

9. “Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”

10. “Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko.”


11.“Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?”

12. “Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko.”


13.“Kung ako ay isang walang kwentang manunulat, english ang isusulat ko, para kahit anu anu ang sabihin ko hindi na nila mahahalata.. Kaya nga ako nagsulat sa tagalog para maintindihan ng mambabasa ang lahat ng sinasabi ko”

14. “Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.”

15. “Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon kahit isa man lang paboritong libro sa buong buhay nila..dahil walang mas nakakaawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa “

16. “Kung paniniwalaan namin kayo na hindi naglaro ng tubig kahit na basa ang damit n’yo, kayo ang niloloko namin; Hindi kayo ang nakapanloloko.”

17. “Para san ba ang cellphone na may camera? Kung kailangan sa buhay un, dapat matagal na kong patay.”

18. "Merong matigas..merong malambot..merong tuwid..merong kulot..merong buo..merong durog..at merong mga taong hindi basta basta lumulubog!"

19. “Iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala”

20. “Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.”


21. "Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang,
hindi lahat matibay para sa temptasyon."

22. "Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak
para alagaan ang sarili mo."


23. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawakan ng iba."


24. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."


25. "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."





26. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung
walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."


27. "Kung maghihintay ka nang ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay
mo.. Dapat lumandi ka din."

28. "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na
araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."


29. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi
pagkukusa."

30. "Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag
natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?"

 

31. "Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na
sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama
ka."

32. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang
puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon,
kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo
na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag
mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo:
magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso,
utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi
IKAW mismo!"

 

33. "Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap,
mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng
kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling
mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa
paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e
nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka."

34. "hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?"

35. "hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay
kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay
katotohanan. "

36. "Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka
pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga
araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher."


37. "Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya,
palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may
pagkukulang sa'yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde.
Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok
sa kili-kili. Sa bandang huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang
napatunayan at bait sa sarili."
 

38. "Ang pag-ibig parang imburnal...nakakata kot mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka."
 

39. "Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan. "


40. "Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority."

41. "Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw ung bida sa script na pinili niya."

42. "Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."

43. "Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala."
  

44. "Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo ung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga ung una."
 

45. "Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa." 
  
46. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa." 

47. Ba’t ka umaalalay sa matanda sa pagtawid sa kalsada? Kasi kaya mo. Ba’t mo pinupulot ang batang nadadapa? Kasi kaya mo. May lakas ka para itama ang mali, para tumulong sa mahihina….

48. Higit k sa maganda… higit sa mak… sa makikita ng mata at matatanaw ng diwa…higit sa maipipinta ng awit…at malililok ng salita…higit sa malilipad ng pangarap at masisisid ng tula…higit ka sa pinakamagandang katha. 

Filed under: