Bob Ong Quotes

Saturday, January 2, 2010 by: JM

kapitan sino
Sobrang Adik Ako Kay Bob Ong. Gustong gusto ko talaga ang mga quotes niya sa mga libro niya. May post na ako dito na collection of Bob Ong Quotes. Nakita ko na madami nga akong nailagay na quotes mula sa mga libro nya ngunit medyo konti ang galing sa librong “Kapitan Sino”.

Kung kaya naman nandito ang mga paborito kong quotes ni Bob Ong sa kanyang libro na “Kapitan Sino”.






1. Hindi na babalik ang dati. Walang gamot na makakapagbalik ng dati. At wala tayong duktor.

2. Kung may kapangyarihan ka nga, pangsagip man ng buhay ng tao o pamperya, dapat ginagamit yan!
Kung ano yung meron ka ibinabahagi mo sa iba, kung ano yung kaya mo ginagawa mo. Yun yon eh!

3. Ba’t ka umaalalay sa matanda sa pagtawid sa kalsada? Kasi kaya mo. Ba’t mo pinupulot ang batang nadadapa? Kasi kaya mo. May lakas ka para itama ang mali, para tumulong sa mahihina….

4. Masyado ka namang matanong! Anong grade ka na ba? Bawal pa sa’yo magbasa nang magbasa!
Wala akong paningin. Hindi ako nakakakita ng maskara. Kung sino ka talaga, yun lang ang nakikita ko.

5. Dahil maraming pwedeng magkagusto sa’yo nang di ikaw ang nakikita nila kundi kung ano ang itsura mo.

6. Alam mo ba ang pinagkaiba ng mga bulag at ng mga nakakakita? Hindi alam ng mga nakakakita kung kelan sila bulag.

7. Sabi ng tatay ko dati, wag daw akong malungkot dahil mga panlabas na anyo lang ang di ko makikita, pero mas makikilala ko ang mundo sa kung ano ito dahil di ako mabubulag ng mga anyo.

8. Maraming tao dito ang mas malungkot pa sa taong nakatira sa buwan. Saka hindi naman kailangan ang maraming tao para bumuo ng mundo e. Minsan isang tao lang ang kasama mo, buo na ang mundong kailangan mo habambuhay.

9. H-higit k sa maganda… higit sa mak… sa makikita ng mata at matatanaw ng diwa…higit sa maipipinta ng awit…at malililok ng salita…higit sa malilipad ng pangarap at masisisid ng tula…higit ka sa pinakamagandang katha.

10. May kapangyarihan ka, pero hindi mo hawak ang buhay ng tao.

11. Itigil mo ang ginagawa mo kung hindi ka masaya. Hindi ka yayaman dyan. Ni hindi mo yan makukuhanan ng pambayad ng kuryente. Hindi ka magkakaroon ng pagkakataon umibig at ibigin.

12. Magliligtas ka ng mga di mo kaanu-ano, at makakasakit ka ng mga kadugo. Sabay mong lalabanan ang sariling kahinaan at iiwasan ang paglamon sa’yo ng sobrang kapangyarihan. Magmaskara ka man o hindi, huhusgahan ka ng mga tao. Hindi ka pasasalamatan ng trabaho mo, uulit-ulitin nya lang ang sarili nya.

13. Hindi ka bayani dahil sa mga kaya mong gawin. Bayani ka dahil sa mga ginawa mo.
Kung lahat lang ng tao may kapangyarihan, eh di sana lahat tayo bayani.
Kung lahat ng tao may konsensya, hindi kailangan ng bayani.
Hindi hawak ng tao ang buhay, pero hawak ng tao ang kapangyarihan para hindi pahirapan ang ibang tao.

Filed under: